SPONSORED LINKS


MUST READ: Joyce Bernal confirms Alden Richards to star in My Love From The Star!

MUST READ: Joyce Bernal confirms Alden Richards to star in My Love From The Star!





Kinumpirma ng direktor na si Joyce Bernal na ang susunod niyang proyekto sa GMA Network ay ang Pinoy version ng hit Koreanovela na My Love From The Star.

Kinumpirma rin ng direktor na ang gaganap sa male lead role ay ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Sa original Korean drama series, ang gumanap na Matteo Do ay ang global superstar na si Kim Soo Hyun.

Pahayag ni Direk Joyce, “Excited akong simulan itong My Love From The Star.

“Napanood ko yun, e, maganda ang story at bagay kay Alden yung lead character.

“Akala ko makakapagbakasyon ako after That’s My Amboy.

“Pero ibinigay nila sa akin agad itong project for Alden.

“Okey lang, kasi I always look forward na makatrabaho ulit si Alden.” diin pa niya.

Third time na raw na maididirek ni Direk Joyce si Alden. Una sa pelikulang 10,000 Hours at pangalawa sa Eat Bulaga! Lenten special na God Gave Me You.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Joyce sa taping ng That’s My Amboy noong Lunes, April 18, sa Fisher Mall in Quezon City.

CAN’T GET STARTED. Hindi pa raw alam ni Direk Joyce kung kailan sila magsisimulang mag-taping para sa My Love From The Star.

Priority raw kasi ni Alden ang pelikula nila ni Maine Mendoza para sa first anniversary ng love team nila na AlDub sa July.

Ayon sa lady director, “Gusto na nilang simulan ko ang post-production.

“Pero yung taping with Alden, wala pa yata silang mabigay.

“Uunahin yata tapusin muna ang movie nila ni Maine.

“Kaya maghihintay lang ako kung kailan available si Alden.

“Kasi aside sa movie, may Eat Bulaga! pa siya from Monday to Saturday

“May mga shows pa siya abroad… hindi masyadong busy ang batang ‘yon.

“Walang ginagawa! Hindi busy!” natatawang biro pa ni Direk Joyce.

TRIED AND TESTED. Clueless din daw si Direk Joyce kung sino ang magiging leading lady ni Alden sa My Love From The Star.

“Hindi pa nila sinasabi sa akin kung sino ang magiging leading lady.

“Okey sana kung si Maine, di ba?

“Tried and tested na kasi ang tambalan nila.

“Pero may movie na kasi silang gagawin, ‘di ba?

“Sila naman ang magde-decide, e.

“Hintayin na lang natin kung sino ang magiging leading lady.”

Ang My Love From The Star ang pagbabalik ni Alden sa isang primetime teleserye.

Huling pinagbidahan niyang teleserye ay ang Ilustrado noong 2014 pa.

Pero nagkaroon naman ito ng guesting sa Pari ‘Koy at sa That’s My Amboy as himself.


Credits / Source: Pep.ph





Previous
Next Post »

5 comments

Click here for comments
soulsearcher
admin
April 20, 2016 at 6:42 PM ×

gaya-gaya na naman tayo.. wala na bang magawang original story line ang mga writers dyan? kung hindi recycled stories na lumang-luma na, panggagaya na man.. pwede ba iba naman? kaloka... Hanggang dyan lang ba kaya nyo? Yan ba ay ipamamana nyo rin sa susunod pang mga henerasyon? Sayang ang panahon at pera pinangugol ng mga tao sa bawat palabas o anupaman sa TV. May nanunuod pa din kc walang choice eh..deserve naman cguro ng mga Pilipino ang mapanood yung totoong likha ng sining. Though, may sariling ganda nga din naman ang sining ng pangongopya. Hindi ito pang-gagago. Challenge ito sa inyo. Kung deserve nyo ang kumita, deserve din namin ang sariwa at tunay na maipagmamalaking likha ng Pilipinong manunulat ng storyang pang-telibisyon o pang-"movies"....

Reply
avatar
Maiden Aldub
admin
April 23, 2016 at 12:20 AM ×

di naman sa sinasabing ginagaya natin ang korea "heto kasi ang gusto ng mga fans ng aldubnation na eh remake nila ang " My Love from the star" bagay kasi sa kanila ang role at matagal narin nali yung gustong mangyari. Ang mga fans pa nga ang nag edit ng mga pictures nila ng My Love From the Star...

Reply
avatar
Maiden Aldub
admin
April 23, 2016 at 12:24 AM ×

At siyaka wala namang masama kung buhayin nila ang mga lumang teleserye at least bago ang mga gumaganap at alam mong masasabik ang lahat.

Reply
avatar
soulsearcher
admin
April 28, 2016 at 12:28 AM × This comment has been removed by the author.
avatar
soulsearcher
admin
April 28, 2016 at 12:47 AM ×

ahhh ganun po ba, hindi sinabing ginagaya.. siguro po sadyang nagkataon lang na nauna ang Korea sa paggawa nito.. Sabagay, May punto naman din po kayo..Wala nga pong masama sa iilang tumatangkilik at sa kumikita.
Naiintindihan ko po na malabis po ang inyung pagkahiliag at pagkakagustu sa kanila. ganunpaman, batid ko pong alam ninyu ang tinutukoy ko. Hindi ko po minamata ang pagiging aktor ng Aldub o sinupaman. Ang punto ko po ay ang pangkabuuan...

Walang masama ang gumaya, ngunit hanggang kailan? hindi na nga ba talga uuso ulit ang originality sa larangan ng paglikha ng palabas sa bansang ito? (kaya po kinahiligan ng marami ang manuod ng palabas ng ibang bansa ay dahil bago sa paningin, may originality, at higit sa lahat pinaghandaan at pinag-isipan)
SA aking palagay, parang takot silang hamunin ang mga kakayahan nilang gumawa ng makabagong istorya na walng bahid ng mga obvious themes at story lines ng ibang sikat na movies nga iba.
(Sa kabuuan, ang punto lang ay magbigay ng "constructive criticism" sa ika-uunlad ng sining sa paglikha ng palabas sa Pilipinas. Hangad ko po'y makita ang sariling galing ng ating manunulat at director) Salamat.

Reply
avatar
Thanks for your comment

Popular Posts