SPONSORED LINKS


MUST SEE: "Carrot Man" is the newest endorser of a clothing brand !

MUST SEE: "Carrot Man" is the newest endorser of a clothing brand !




Matapos maging viral dahil sa kanyang kagwapuhan at kakisigan, marahil ay marami ang nagtataka kung natuloy nga ba si Carrot Man Jeyrick Sigmaton na pasukin ang mundo ng showbiz.

Nasaan na nga ba si Carrot Man?

Kahapon (April 12) ay isang teaser ang ibinahagi ng Boardwalk sa kanilang Facebook kung saan ipinakita nila ang kanilang pinakabagong endorser. Marami rin ang humula na ito ay si Carrot Man.


At ngayong araw ay pormal nang ipinakilala at kinumpirma na si Jeyrick ay ang bagong mukha ng nasabing clothing brand.
"You guessed it right! Welcome to the Boardwalk family, Jeyrick "Carrot Man" Sigmaton," ayon sa post.

Makikita rin ang make-over na ginawa kay Jeyrick sa isa pang litrato mula sa isa sa mga fan pages niya.
"Jeyrick Sigmaton wearing one of the collection of internationally renowned designer Mr. Avel Bacudio on Boardwalkph Pictorial," paglalarawan sa Facebook.

"Mr. Avel Bacudio himself designed Carrot Man's Collection on Boardwalk which will be available on the market soon," patuloy sa anunsyo.

Hindi pa man lumalabas muli sa programa si Jeyrick, masasabing kahanay na niya ang ilan sa mga pinakasikat ngayon.

Kabilang sina Alden Richards, Maine Mendoza, Janine Gutierrez at Kris Aquino sa ilan na mga nabihisang personalidad ng world-renowned designer, habang sina Alden Richards at Matteo Guidicelli ay ang kanyang mga parehong ambassadors sa naturang clothing brand.

Previous
Next Post »
Thanks for your comment

Popular Posts