SPONSORED LINKS


Must See: Gina Alajar to Alden Richards's bashers: 'You cannot put a man of faith down!'

Must See: Gina Alajar to Alden Richards's bashers: 'You cannot put a man of faith down!'







Muling nag-post ang actress-director na si Gina Alajar sa kanyang Instagram account ng larawan nila ni Alden Richards, isang araw matapos niyang i-post sa social media ang throwback picture nila ng Pambansang Bae.

Kahapon, April 13, hindi pinalampas ni Gina ang pamba-bash ng ilang netizens kay Alden at sinagot ang mga ito.

Sabi ng beteranang aktres, kung wala rin lang masasabing maganda ang bashers na ito ay itikom na lang nila ang kanilang mga bibig.

Read: Actress-director Gina Alajar hits back at Alden Richards's bashers

Sa kanyang pinakabagong post ngayong Huwebes, April 14, ipinost ni Gina ang larawan nila ni Alden.

Sa caption ay ikinuwento nito ang kanilang aksidenteng pagkikita.

“Nagkagulatan kaming dalawa nang magkasalubong kami sa stairs ng GMA after my photo shoot and siya naman going to his rehearsal for Sunday Pinasaya.”

Puring-puri ni Gina ang magandang attitude ni Alden: “@aldenrichards02 can brighten up anyone's day by his sweetness and very warm attitude.”

Pagpapatuloy ng direktor, “And of course he saw my previous post. You will always have my support, Tisoy.”

May patama rin si Gina sa mga namba-bash kay Alden.

“This post is to all the bashers out there. You cannot put a man of faith down!

“Jesus loves you, Tisoy.”


Samantala, sa comments section ng nasabing post, isang netizen ang nagsabi kay Gina tungkol sa nadagdag na ilang libong followers niya mula nang i-post nito ang larawan nila ni Alden.

Sinang-ayunan naman ito ni Gina at sinabing halos hindi siya makapaniwala.

Credits and Source : Pep.PH

Previous
Next Post »
Thanks for your comment

Popular Posts