SPONSORED LINKS


MUST WATCH : Alden Richards message to the one who started lip-biting!

MUST WATCH : Alden Richards message to the one who started lip-biting!




Patuloy na nakipagkulitan sina Alden Richards at Maine Mendoza kasama ang mga netizens sa magkahiwalay na live videos sa Facebook. Ang ilang bahagi nito ay iniulat sa 24 Oras kahapon, April 26.

Ipinakita si Maine na nakikisaya sa mga fans online habang naghahanda para sa kalyeserye. May special appearance din sa video si Wally Bayola na minemake-upan bilang si Lola Nidora.


Sa video naman ng Pambansang Bae ay may mga katanungan siyang sinagot. Paborito raw niya ang crispy dinuguan ng kanyang lola, habang ayaw daw niya ang nahuhuli at nakakarinig ng humihilik. Aniya, mas gusto rin niya ang term of endearment na “sweetheart.”

Sa parehong video, naungkat din ang pang-aasar sa kanya ni Maine dahil sa pagli-lip-bite.


Kaya naman, may mensahe si Alden. Pahayag niya, “Ewan ko ba kung bakit nauso ‘yung lip-biting at kung sino ang nagpauso nun. At kung nanonood ka man ngayon, tama na. Tama na, durog na durog na ako eh.”




Previous
Next Post »
Thanks for your comment

Popular Posts