SPONSORED LINKS


MUST WATCH : Where will AlDub have their vacation this October?


MUST WATCH : Where will AlDub have their vacation this October?




Lumipad na kaninang tanghali, September 29, ang Kapuso bae na si Alden Richards para mag-perform sa show na ‘At Last in London!’ para sa mga kababayan natin sa London, United Kingdom.

Sa panayam ni Lhar Santiago sa 24Oras ngayong Huwebes ng gabi, ramdam ang excitement ng Eat Bulaga host na pumunta sa London, dahil first time daw niya makakarating dun

Ano-ano kaya ang mga lugar na bibisitahin dun ni Alden?

Kuwento ng binata, “Yung Dans Le Noir, yung restaurant na kakain pero pitched black, tapos of course The Eye, Buckingham Palace. Punta rin po kami ng Stonehenge naka-schedule na rin po. So ayun ikot pa more,”

Plano din manood ng AlDub actor ng Les Misérables sa West End, para makita ang dati niyang katrabaho sa Party Pilipinas na si Rachelle Ann Go.

“Hopefully makanood ako ng Les Misérables sa West End opo. Talagang ‘yun din po isa sa mga nilo-look forward ko, I wanna see Rachelle Ann Go ang tagal ko na rin po siyang hindi nakikita, kasama ko po siya sa Party Pilipinas before.”

Ni-reveal din sa interview ni Alden kay Lhar Santiago na may personal trip sila ng kaniyang kapareha na si Maine Mendoza sa Europe sa darating na Oktubre.

“For a personal trip were going to London po end of October, London and then Germany. ‘Yun po no work po ‘yun. That’s a personal trip, bakasyon po.”

Written by : AEDRIANNE ACAR 

Watch the video below and comment your reactions.



Previous
Next Post »
Thanks for your comment

Popular Posts