SPONSORED LINKS


EXCLUSIVE: Alden Richards doesn't regret not to be the lead star actor of My Love From the Star!

EXCLUSIVE: Alden Richards doesn't regret not to be the lead star actor of My Love From the Star!




Hindi naiwasan ng AlDub Nation na malungkot nang hindi sina Maine Mendoza at Alden Richards ang gaganap sa title role nina Steffi Choi at Matteo Do.

Isa kasi ang AlDub sa napipisil ng mga fans ng hit koreanovela series na My Love From The Star na bumida sa Philippine version.

Kamakailan ay nagpaunlak ng isang exclusive interview sa GMANetwork.com si Alden sa blessing ng kaniyang pangalawang restaurant business na Concha’s Garde CafĂ© sa Tomas Morato, Q.C.

Tinanong namin ang guwapong binata sa naging reaksyon ng kanilang mga fans sa hindi nila pagkakasungkit sa naturang project.

Ayon kay Alden, “Basically if things are not meant to be or given to you, may mas okay na kapalit or may mas deserving dun sa na let go na opportunity. So, tayo naman nili-lead naman tayo ni Lord with the things that we deserve… So, I believe na there are things that are meant for us and there are things that are not meant.”

Dagdag pa ng Kapuso actor na mas bongga ang naging kapalit at sa wakas ay matutuloy na ang primetime series na pinakahihintay ng mga AlDuBarkads.

“When it comes to details wala pang nare-relay sa amin but were really looking forward, kaming dalawa ni Maine we are very excited. Nag-workshops na kami. Hindi ko pa lang alam kung kelan ‘yung first day of shoot but were really looking forward to it.”

Credits and source : GMA NETWORK

Previous
Next Post »
Thanks for your comment

Popular Posts