SPONSORED LINKS


EXCLUSIVE NEWS: AlDub's Teleserye Title REVEALED!

EXCLUSIVE NEWS: AlDub's Teleserye Title REVEALED!




TULOY na tuloy na raw ang launching teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza. Ito ang kumalat na balita sa social media nitong nagdaang weekend.

Isang AlDub supporter ang nag-post ng isang litrato nina Maine at Alden sa Instagram na sinasabing kuha sa taping ng Christmas Special ng GMA Network na malapit nang mapanood ng mga Kapuso.

Ayon sa nasabing netizen ang title daw ng AlDub series ay Destined To Be Yours, base na rin sa ipinakitang photo nina Alden at Maine. Wala pang official announcement tungkol dito ang GMA Artist Center at Triple A Management na siyang nangangalaga sa career nina Alden at Maine respectively.

Pero kung totoo nga ang chika na ang launching TV series ng AlDub ang magi-ging pasabog ng Siyete sa pagpasok ng 2017, isang bonggang New Year’s gift ito ng GMA sa milyun-milyong fans ng AlDub.

Samantala, nitong weekend naman ay pinag-usapan din sa social media ang pagsagot ng direktor na si Mike Tuviera sa isang netizen na nagtanong kung bakit tila ang bagal daw ng takbo ng career ni Maine.

Si direk Mike ang nagdirek ng launching movie ng AlDub na “Imagine You & Me” at anak din ni Tony Tuviera na manager ni Maine kaya ito ang inusisa ng netizen na may handle name na @DelLerit kung bakit parang na-stuck na lang sa Eat Bulaga si Yaya Dub.

Tanong ng netizen kay Direk Mike: “Are you really after the advancement of Maine’s career? Is it possible for her to work with ABSCBN talents?” Na sinagot naman ng direktor ng, “Aside from the soap & Eat Bulaga, both daily shows, what else would you have her do? Bawal bang matulog si Maine? Makita family niya? Kalma.”

Nang mabasa ang tugon ng direktor, nag-tweet naman ito ng na tila hindi nakuntento sa mensahe ni direk Mike, “It was a QUESTION that deserves an ANSWER. No rationalization needed. Teka, as far as we know, EB plus endorsements lang si Meng. Right?”

Hindi na sinagot ng direktor ang tweet ng netizen, sa halip nagpasamat na lang ito sa patuloy na nagmamahal kay Maine, “Thank you for appreciating her efforts. Some take it for granted. I’m glad most of her fans are grateful! Thanks guys!”


CREDITS AND SOURCE : BANDERA


Previous
Next Post »

1 comments:

Click here for comments
redleaf real
admin
December 12, 2016 at 2:15 AM ×

agree ako sa nietezen dapat kc ikA nga shoot d ball while its hot,ganyan dapat,my follow up kau agad sa movie khit ts manlang kc yan ang gusto ng tao e,to satisfy thier craving of aldub anyway kau makikinabang jn d nman ang followers e.



Congrats bro redleaf real you got PERTAMAX...! hehehehe...
Reply
avatar
Thanks for your comment

Popular Posts