SPONSORED LINKS


EXCLUSIVE NEWS: Former Starstruck Survivor excited to work with Maine Mendoza!

EXCLUSIVE NEWS: Former Starstruck Survivor excited to work with Maine Mendoza!




Nakasalubong ­namin si ­Sheena Halili sa lobby ng GMA 7 noong isang araw. Naaliw kami nang makita ito, halos walang make-up pero ganda-gandahan.

Mas lalo itong gumaganda habang tumatagal at not to mention seksi-seksihan din. Nag-post nga ito kamakailan lang ng naka-two piece bathing suit sa Instagram account niya, pero muk­hang hanggang ganun pa lang muna si Sheena unlike others na keri mag-pose sa mga men’s ma­gazine.

Natuwa naman ka­mi dahil kahit “bestfriend” pa rin ang role niya sa kauna-unahang teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Destined to be Yours, kita namin kay Sheena na masaya at excited siya sa bagong serye.

Next year pa raw siya magsisimula ng taping at chika nga niya, first time raw niyang makita nang personal o makausap si Maine noong storycon nila. Hindi pa raw sila nagkausap talaga, pero marami na raw ang nagsasabi sa kanyang “babaeng bakla” lang din ito at wish niya na tulad ng ibang naging “bestfriend” niya sa mga nakaraan niyang shows, maging friends din talaga sila.

Si Alden naman, nakikita raw niya na nang sumikat ito, parang mas lalo pang  bumait.

Anyway, tinanong namin siya kung totoong may lovelife na nga siya dahil may nasulat na tila boyfriend niya na isang baguhang actor na nagpo-prod­yus din. Itinanggi ito ni Sheena at siya raw mismo, takang-taka kung bakit may ganung balita.

Matagal na raw siyang walang boyfriend, pero hindi raw niya boyfriend o manliligaw man lang ang inili-link sa kanya. Magti-thirty na raw siya kaya totoong gusto niyang magkaroon na rin ng boyfriend, pero ang gusto niya siyempre, ‘yung talagang nakalaan na sa kanya ni Lord.

SOURCE AND CREDITS RETRACTED FROM : ABANTE

#miguelized @hairshaftmiguel

A photo posted by Sheena Yvette Halili (@mysheenahalili) on


#magicngpasko na 🎄 tutok na sa GMA! #themagicofchristmas

A photo posted by Sheena Yvette Halili (@mysheenahalili) on


Previous
Next Post »
Thanks for your comment

Popular Posts