SPONSORED LINKS


MUST WATCH: Maine Mendoza pinaiyak si Kris Aquino !

MUST SEE: Maine Mendoza pinaiyak si kris Aquino !



PINAIYAK ni Maine Mendoza si Kris Aquino nang magkita sila up close and personal kamakailan. Sabay na nanood ng “Enteng Kabisote 10” ang dalawa kaya nagkaroon din sila ng chance na makapag-bonding.

Ayon kay Kris, may sinabi raw kasi si Maine sa kanya na talagang ikina-touch ng kanyang damdamin. Sa kanyang Facebook account nitong nakaraang Biyernes ng gabi, idinaan ng Queen of All Media ang kanyang mensahe para kay Yaya Dub.

Narito ang ilang bahagi ng FB post ni Kris: “In our first meeting, Maine made me teary-eyed. Pinataba niya ang puso ko. Thank you, Maine. #KrisMeetsMaine #ThisIsREAL!”

Ayon sa TV host, sinabi raw sa kanya ni Maine na hindi raw niya mararating ang lahat ng achievement niya bilang isang TV and movie personality kung hindi dahil sa kanya. Bukod sa milyun-milyong miyembro ng AlDub Nation at ng kanyang mga Dabarkads sa Eat Bulaga, utang din daw niya kay Kris ang tinatamasa niyang kasikatan ngayon.

“Her humility was heartfelt. She whispered to me, ‘Miss Kris, gusto ko lang po mag-thank you.’

“And I was clueless so I asked her why. She said, ‘Kung wala po kayo, ang lahat ng ito ay hindi mangyayari.’

“Of course, I didn’t want to make it obvious but her thank you made me teary-eyed.

“OMG. This isn’t false humility but nakakataba ng puso definitely,” ang mahabang chika pa ni Kris.

Kung matatandaan, unang nakilala si Maine bilang Dubsmash Queen dahil nga sa mga video niya sa social media gamit ang mga dialogue ni Kris sa mga TV program at pelikula nito.

Para sa kanyang huling mensahe kay Maine na mapapanood din sa isang video na ipinost niya sa kanyang social media account, “Maine, Thank you for the wonderful movie date, for invigorating my self-confidence, and for inspiring me to do so much more for all future spoofers and dubsmashers. Love Kris.”


Previous
Next Post »
Thanks for your comment

Popular Posts