SPONSORED LINKS


REVELATIONS: Destined to be yours story plot revealed!

REVELATIONS: Destined to be yours story plot revealed!




DESTINED TO BE YOURS ang pamagat ng primetime teleserye ng AlDub sa GMA, na kahapon nag-storycon.

Next week na ang simula ng taping nina A­lden Richards at Maine Mendoza para sa kanilang unang TV series.

Ang protégé ni Bb. Joyce Bernal na si Direk Irene Villamor ang magdidirek ng DTBY. Si Direk Irene ang nagdirehe ng hit chick flick na Camp Sawi.

Ang dinig namin ay architect ang role dito ni Alden na magtatayo ng building project sa probinsya, na kokontrahin ng karakter ni Maine na isang environmental activist.

Classic rich boy meets poor girl pa rin ang kuwento, na si Meng ay isang probinsyana kaya somewhere in Quezon ang location.

Young architect ang role ni Alden sa Destined To Be Yours, na magtatayo ng isang building project sa probinsiya.

Doon papasok ang conflict sa story dahil kokontrahin ito ng karakter ni Maine, who loves her little town at may pagka-environmentalist ang dating.

Benjie ang name ni Alden at Luningning ang name ni Maine.

Classic rich boy meets poor girl pa rin ang kuwento, na si Meng ay isang probinsiyana, kaya somewhere in Quezon province ang kanilang location.

From what we heard ay isang hardworking girl si Luningning na kung anu-anong trabaho ang pinapasok. Isa siyang radio DJ, among other things.

Kapag nag-start na ang AlDub ng kanilang three times a week na taping ay malamang na hindi muna sila mapanood sa Eat Bulaga.

‘Sabagay, nawala rin ang dalawa nang mag-shoot sila ng mo­vie nilang Imagine You & Me sa Italya.

Baka ‘pag nakapag-adjust na sila sa taping sked nila ay makapag-EB ulit sina Alden at Maine.

Baka keri nilang mag-every other day o kaya ay every Saturday.

Inaabangan ng fans ang teleserye ng dalawa, so okey lang sigu­ro na hindi muna sila makita nang regular sa Kalyeserye.

Next level na ang phenomenal loveteam sa nasabing Kapuso primetime series.

First quarter of next year ang target airing ng Destined to Be Yours, na hindi pa raw sure kung magiging kapalit ng Encantadia.

At least ay may bagong aabangan kina Alden at Maine sa 2017.

RETRACTED FROM CREDITS AND SOURCE:  ABANTE


Previous
Next Post »

1 comments:

Click here for comments
ndcm rrfj
admin
December 14, 2016 at 5:13 AM ×

Sana maganda ang story and ang pag-direct. I hope ok yung protege ni Direk Joyce.

Congrats bro ndcm rrfj you got PERTAMAX...! hehehehe...
Reply
avatar
Thanks for your comment

Popular Posts