SPONSORED LINKS


EXCLUSIVE NEWS: Alden Richards confined in Hospital , stays professional !

EXCLUSIVE NEWS: Alden Richards confined in Hospital , stays professional !




Bumuhos ang pag-aalala ng fans at panalangin sa mabilis na paggaling ng Pambansang Bae na si Alden Richards matapos mag-post ng larawan ang aktor sa Twitter na nagpapahiwatig na naka-confine siya sa ospital.

Walang binanggit na dahilan kung bakit naospital o ano ang sakit ni Alden.

Pero sa Facebook account fans club na AlDub kung saan ni-repost ang naturang larawan, sinabing hindi mabuti ang pakiramdam ni Alden at maging ni Maine Mendoza nang dumalo ang dalawa sa isang event ng produkto na kanilang iniindorso.

Batay sa mga komento sa naturang post, sinabing nagtungo si Alden sa ospital matapos ang nabanggit na event.

Pinuri ng fans ang kanilang mga idolo dahil sa pagiging mga propesyunal sa pagdalo sa naturang event kahit mayroon silang nararamdaman.

Nakatakdang mapanood sina Alden at Maine sa kanilang kauna-unahing primetime series sa GMA na "Destined To Be Yours." -- FRJ, GMA News

SOURCE AND CREDITS: GMA NETWORK


Previous
Next Post »
Thanks for your comment

Popular Posts