SPONSORED LINKS


Actor Padilla to Maine Mendoza : "She's really very funny and Natural , she won't let you think that she is the Phenomenal Maine Mendoza"

"She's really very funny and Natural , she won't let you think that she is the Phenomenal Maine Mendoza" - RJ Padilla




Retracted from GMA Netowrk

Maraming komedyanteng kasama sa unang teleseryeng pagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours.

Isa na rito si Bubble Gang star RJ Padilla na nagagamit ang mga natutunan niya sa longest-running comedy show ng bansa para makadagdag sa pagka-lighthearted ng kanilang upcoming serye.

"Masaya kasi pinapapayagan nila ko kung ano man 'yung gusto kong ilabas. Hindi naman nila sinasabing, 'Bawal yan' kasi 'yung characer ko dito, medyo comedy," pahayag ni RJ.

Si RJ ang gaganap bilang Arman, isa sa mga residente ng piksyunal na bayan ng Pelangi kung saan magkakakilala ang mga bida.

"'Yung character ko dito kababata ni Maine. Jowa ko si Sheena [Halili]. Best friend ako ni Juancho [Trivino]. Sa aming apat, ako 'yung pinakamakulit," paglalarawan niya.

Halos lahat ng eksena ni RJ ay kasama ni Maine at nag-e-enjoy daw siyang katrabaho ito.

"Nakakatawa talaga siya. Natural. Hindi mahirap kaeksena na maiisip mo 'Uy shucks si Maine!' Hindi ka mako-conscious sa sarili mo. Hindi niya pinaparamdam na 'Ako si Maine Mendoza, ayusin mo trabaho mo,'" kuwento ng komedyante.

Unang beses makakatrabaho ni RJ si Maine at ang iba pang miyembro ng cast. Umaasa raw siyang magkakaroon siya ng ilang mga bagong kaibigan habang ginagawa ang serye.

"[I'm looking forward to] bagong kaibigan tulad ni Maine saka katulad ni Sheena, first time kong makakasama. Si kuya Gardo [Versoza], nakasama ko na. Si Ms. Janice de Belen, 'yung mga bagong cast na nakasama ko ngayon, it's truly an honor na makasama sila," aniya.

Sa lahat ng katrabaho niya sa Destined To Be Yours, si Alden daw ang pinakamatagal na niyang kakilala.

"Siya 'yung pinaka-close ko kasi siya 'yung una kong nakilala sa industriya. Since My Beloved, Marian-Dingdong 'to, nagsisimula pa lang si Alden, doon ko siya unang na-meet. Tapos nakasama ko siya sa Carmela. Doon sa Carmela, mas lalong [tumibay] 'yung bond naming dalawa," kuwento niya.

Muli naman daw na sinasanay ni RJ ang kanyang sarili sa paggawa ng isang soap kung saan mahaba ang mga eksena at linya.

"Isang taon din akong wala. Last ko 'yung kay Sef [Cadayona] (Juan Tamad), so medyo gapang gapang din ako sa mga lines. Sanay ako sa Bubble Gang na ito lang 'yung lines mo," pag-amin niya.

Ipinagdarasal naman daw ni RJ na tumagal ang kanilang serye.

"Mga Kapuso, eto na ho 'yun, ang inaabangan n'yo! Ibang klase 'to. Hindi na ito sa Eat Bulaga, teleserye na ho ito! Abangan n'yo, Destined To Be Yours, nuknukan ng kiligan ito. Sana humaba ang pagsasama natin, isang taon! Let's go!" paghihimok ni RJ.

Mapapanood sa na sa Lunes, February 27 ang Destined To Be Yours pagkatapos ng Encantadia, sa GMA Telebabad.

Sabay itong mapapanood sa labas ng Pilipinas via GMA Pinoy TV. I-check ang availability ng GMA Pinoy TV sa inyong rehiyon at mag-subsribe dito.

Watch the video below and comment your reactions

Previous
Next Post »
Thanks for your comment

Popular Posts