SPONSORED LINKS


DESTINY SPOTTED: "What happened to Maine and I , it is really destiny" - Alden Richards!

DESTINY SPOTTED: "What happened to Maine and I , it is really destiny" - Alden Richards!




Masaya si Kapuso leading man Alden Richards dahil sa buwan ng mga puso magsisimula ang Destined To Be Yours, unang teleseryeng pagbibidahan nila ng kanyang ka-love team na si Maine Mendoza.

"Isa po itong napakagandang treat para po sa mga manonood and siyempre sa AlDub Nation na no'ng una pa lang kaming magkita ni Maine, soap na agad 'yung hiningi nila. Ito na po yun!" excited na pahayag ni Alden.

Matatandaang maagang nag-commit ang dalawa para gumawa ng soap pero sumailalim muna sila sa ilang workshops bilang paghahanda.

Kaya naman nagparating din siya ng pasasalamat sa mga walang sawang naghintay para sa unang teleserye nila ni Maine.

"Salamat po sa lahat ng naghintay. We can't wait for everyone to see this project that we're working on," aniya.

Dahil may tema ng tadhana at kapalaran ang serye, naniniwala ba si Alden sa destiny?

"'Yung nangyari sa amin ni Maine, that is really destiny. How is it that [people] who've met each other five years ago will meet in a variety show—will meet in Eat Bulaga—and then the magic happens," paliwanag niya.

Tinutukoy niya ang pagkikita nila ni Maine sa event ng isang teen magazine noong 2010, bago pa man sila pumasok sa larangan ng showbiz at magkakilala sa Eat Bulaga noong 2015.

"For me, that's destiny talaga. Walang makakapag-explain noon. Ako, hindi ko ma-explain. Siguro si Lord lang ang may kayang mag-explain nun sa 'kin 'pag nag-meet kami," dagdag pa nito.

Huwag palampasin ang worldwide premiere ng Destined To Be Yours, simula February 27, pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

Para sa mga international viewers, panoorin ang simulcast nito sa GMA Pinoy TV. I-check ang availability ng GMA Pinoy TV sa inyong mga lugar at mag-subscribe dito.

Credits/ Source: GMA NETWORK


Previous
Next Post »
Thanks for your comment

Popular Posts