SPONSORED LINKS


KILIG REVELATIONS: What Maine and Alden liked about each other revealed!

KILIG REVELATIONS: What Maine and Alden liked about each other revealed!




RETRACTED FROM GMA NETWORK

Hindi nagpaawat sa pagpapakilig ang Eat Bulaga power couple na sina Maine Mendoza at Alden Richards sa  Kap’s Book of Amazing True Love segment ng noontime show ngayong araw ng mga puso.

Dito diretsahan tinanong ang dalawa kung ano ang nagustuhan nila sa isa’t-isa.

Umamin ang Pambansang Bae Alden Richards na ang pagiging ‘maalaga’ ni Maine ang katangian na nagustuhan niya sa magandang dalaga.

Ano naman kaya qualities ang nagustuhan ni Maine kay Alden?

Sagot ng Dubsmash Queen of the Philippines, “Ang nagustuhan ko dito kay Alden [Richards] ‘yung pagiging mysterious niya. Mysterious kasi si Alden eh parang sobrang ang hirap niyang kilalanin talaga parang 'pag nakilala mo nabasag mo na ‘yung isang wall mayroon pa, marami pa palang kasunod.”

Valentine’s Day message

Todo hiyawan naman ang mga dabarkads sa loob ng Broadway Centrum studio ng Eat Bulaga, matapos magbigay ang AlDub ng kani-kanilang Valentine’s Day message sa isa’t-isa.

Ipinangako ni Alden sa kapareha na naka-suporta lang siya palagi dito lalo na at shino-shoot nila ang kanilang Kapuso primetime series na Destined To Be Yours.

Aniya, “Happy second Valentine’s Day sa atin. At least two years na ‘yung dumaan pero andiyan ka pa rin, nandito pa rin ako. And ‘yung bagong challenge natin ngayon na tinatahak, ‘yung paggawa ng soap opera, hindi siya madali.”

“Alam ko medyo malaking adjustment for you naiintidahan ko ‘yun. Pero rest assured na lagi kitang aalalayan at saka ako bahala, I got your back sa soap huwag kang mag-alala ”

Nagpasalamat naman si Maine Mendoza sa ginagawang pag-alalay sa kaniya ni Alden at hiling nito na tumagal pa ang kanilang samahan.

“Maraming salamat siyempre sa mga tulong mo sa akin, sa lahat ng ginawa mo para sa akin sa loob ng dalawang taon, sana humaba pa 'yan. And ayun, sa mga pag-alalay mo sa akin sa soap, alam mo nga na marami akong kailangan gawing adjustments, maraming salamat doon. Basta nandito lang ako lagi for you and ayun Happy Valentine’s [Day].”


Previous
Next Post »
Thanks for your comment

Popular Posts