SPONSORED LINKS


SCOOP : Maine Mendoza receives so much compliment from a veteran actor!

SCOOP : Maine Mendoza receives so much compliment from a veteran actor!




Retracted from PEP.PH

Inamin ni Gardo Versoza na madalas niyang tuksuhin si Maine Mendoza kay Alden Richards.

Kaugnay ito ng obserbasyon ng beteranong aktor sa phenomenal love team nina Alden at Maine kapag nasa taping sila ng upcoming Kapuso primetime series na Destined To Be Yours.

Pahayag ni Gardo, "Nakakatuwa sila kasi, kumbaga, iba ang pagtitinginan nila sa isa't isa.

"Like minsan, napag-uusapan namin ni Maine, sabi ko, 'Ang sarap nung ganyan kasi, gumagaan ang trabaho.'

"Kumbaga, kapalagayan mo ng loob, kahit paano may pitak sa puso mo.

"Kahit paano, nakaka-inspire.

"So yun, yung trademark niyang pangiti-ngiti."

Tatay ni Maine ang ginagampanang papael ni Gardo,, kaya mas madalas silang magkasama sa set ng kanilang teleserye sa Quezon province.

Ramdam daw ni Gardo na may kakaibang pakiramdam ang dalaga para kay Alden.

Aniya, "Oo, kapag kunyari mababanggit mo, ngingitian ka.

"'Tapos kapag tinatanong ko, 'Ano, kayo na ba?' Ngingiti, tapos tatalikod.

"Sabi ko, 'Ano, ano? Sagutin mo?'”

Ang paiwas na sagot lang daw ni Maine, "'Wag na, Kuya Cupcake.'"

Ang tinukoy ni Maine na Kuya Cupcake ay si Gardo, na ang Instagram handle name ay @gardocupcake.

Hinuhuli din daw ni Gardo kung ano naman ang saloobin ni Alden kay Maine.

Lahad ni Gardo sa usapan nila ni Alden, “Biniro ko rin naman siya na, 'O kumusta naman ang lovelife mo? Hindi ba kayo nahihirapan dito?'

"Sabi niya, 'Kuya Cupcake, sa ibang bansa na nga lang.' Ha-ha-ha!

"Sabi ko, ‘Baka kailangan ng chaperon, puwede ako.’"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang beteranong aktor pagkatapos ng grand presscon ng Destined To Be Yours na ginanap sa B Hotel, sa Quezon City, noong February 14.

GARDO’S LOVE ADVICE. Sa ngayon, patuloy ang espekulasyon sa tunay na estado ng relasyon nina Alden at Maine.

Kaugnay nito, mayroong paayong ibinigay si Gardo sa Pambansang Bae.

Lahad ni Gardo, "Yung sa kanya naman, sinabi ko, pareho kay Maine, na kung ano ang makakapagpasaya sa iyo, kumbaga, hawakan niyo.

"Kasi sabi ko, kahit sabihin niyong nasa inyo na ang lahat ng pera, 'pag dumating na yung time na hinahanap niyo na ang magpapasaya sa inyo, hindi niyo na mabibili yun.

"Sabi ko, 'Namnamin niyo ngayon, kung ano ang masarap na feeling.'

"Iba ang naibibigay niyan, e.

"Sabi ko pa, 'Kung talaga kayo ang iginuhit, kayo ang itinadhana, e, namnamin niyo at pangalagaan.'"

Sa tingin ba niya, magiging advantage para sa tambalang Maine at Alden kung maging sila sa totoong-buhay?

Tugon ng beteranong aktor, "Parang case-to-case basis, e.

"Like, base sa obserbasyon ko, meron kasi na nagku-compliment sila sa isa't isa.

"Meron naman na, parang kapag nawala ang isa, mawawalan ng saysay ang isa.

“Para sa kanila, nagkakatulungan sila, nagku-compliment kumbaga."

Mas may posibilidad din dawn a magkahulugan ng loob ng dalawa dahil madalas silang magkasama.

Sabi ng beteranong aktor, "Feeling ko, hindi naman malayo na mauuwi sila sa altar, hindi malayo.

"Marami na silang pinagsamahan, at araw-araw silang magkasama."

MAINE'S LOVABLE TRAITS. Sa huli, proud na sinabi ni Gardo na taglay ni Maine ang mga katangian ng isang babaeng madaling mahalin.

Aniya, "Niloloko ko nga si Maine, ‘Kung bata-bata ako, kukumpetensiyahin ko 'yan si Alden.'

“Ha-ha-ha! Tawa-tawa lang siya. Sabi ko, 'Wala, e, lipas na.'

"Si Maine kasi, tipikal na dalagang-Pilipina kaya nakakatuwa.”

Dugtong ng Gardo sa huli, "Pero, parang mas tumitimbang sa akin na kapag nagkaanak akong babae, gusto ko katulad ni Maine.

"Kalog, walang ere, hindi mo mararamdaman na sikat siya, hindi siya nasisilaw."






Previous
Next Post »
Thanks for your comment

Popular Posts