SPONSORED LINKS


SCOOP: Maine Mendoza shared her favorite scene in Destined To Be Yours!

SCOOP: Maine Mendoza shared her favorite scene in Destined To Be Yours!




Retracted from GMA NETWORK :

Magkahalong excitement at kaba raw ang nararamdaman ni Philippine Dubsmash Queen Maine Mendoza sa upcoming series nila ni Alden Richards na Destined To Be Yours.

"Nae-excite po and at the same time, kinakabahan na din kasi siyempre merong expectations 'yung mga fans. Medyo nakaka-pressure lang din bilang first ko 'to," paliwanag ni Maine na first time mapapanood sa isang primetime series.

Gayunpaman, umaasa pa rin siyang magugustuhan ng mga manonood ang seryeng iniaalay nila ni Alden sa kanilang mga tagasubaybay.

"Sana maibigay ko sa kanila kung ano man 'yung gusto nila. Sana makita nila 'yung ginawa ko. Sana matuwa naman sila kahit papano. Sana maging proud sila sa amin," aniya.

Inilarawan din ni Maine ang kanyang karakter na si Sinag.

"Isa akong DJ sa barangay namin doon, sa barangay na Pelangi na malayong malayo. Ang aking outlook sa love ay medyo kakaiba dahil hindi ako naniniwala sa destiny. Medyo strong din 'yung personality ko doon. 'Yung iba, antayin na lang nila," bahagi niya.

Ayon kay Maine, may isang "happy accident" na nangyari dahil sa pag-ulan sa unang araw ng kanilang taping.

"Siya (Alden) lang 'yung nadulas. Tapos, medyo parang nag-isip pa po ako. Ika-cut ba 'to or hindi? Pero natawa kami siyempre," natatawang pag-alala niya sa pangyayari.

"Kung mangyari din naman 'yun sa eksenang 'yun, nakakatawa din naman talaga so tinuloy na lang din namin. In character na lang din kami," dagdag nito.

Ito raw ang eksenang gustong-gusto niyang ipakita at ibahagi sa mga manonood ng kanilang serye.

"Nakakatawa, nadulas siya doon! Abangan n'yo 'yan! 'Yung pagdulas ni Alden doon sa maulan na eksena, totoong ulan po 'yun. Totoo din 'yung pagkakadulas," pagtatapos nito.

Bahagyang makikita ang eksenang tinutukoy ni Maine sa full trailer ng kanilang upcoming show.

Abangan 'yan, at marami pang mga nakakakilig na eksena sa Destined To Be Yours, simula February 27, pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

Sabay ding mapapanood ang premiere nito sa mga bansa sa labas ng Pilipinas via GMA Pinoy TV.


Previous
Next Post »
Thanks for your comment

Popular Posts