SPONSORED LINKS


SCOOP: Story over Ratings ! What Alden Richards most focused on?

SCOOP: Story over Ratings ! What Alden Richards most focused on?




Retracted from GMA NETWORK

Ang upcoming GMA Telebabad series na Destined To Be Yours ang pinakaaabangang pagbabalik ni Pambansang Bae Alden Richards bilang isang leading man sa primetime.

Bukod sa kanyang guest stint sa top-rating telefantasyang Encantadia bilang ang Mulawin na si Lakan, huling bumida si Alden sa primetime series na Ilustrado.

Malaki ang expectations para sa seryeng Destined To Be Yours dahil ito ang unang soap na pagbibidahan nila ni Philippine Dubsmash Queen Maine Mendoza.

Nakaramdam ba si Alden ng pressure, lalo na at matinik ang labanan sa primetime ratings?

"Once the numbers get to your head, that's when you will become too confident about things," pahayag ni Alden sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Mas gusto raw kasing pagtuunan ng pansin ni Alden ang mga bagay na makakapagpaganda sa serye at sa kuwento nito.

"Of course, we are very concerned about the numbers but we are more concerned doon sa kung ano 'yung gagawin namin sa soap—on how to make it na magugustuhan ng mga audience, kung paano namin ija-justify 'yung mga characters namin," aniya.

"Basta ang trabaho namin as actors is to do the soap," pagtatapos nito.

Abangan ang Destined To Be Yours, simula February 27, pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

Para naman sa mga international fans, magkakaroon ito ng worldwide simulcast sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV. I-check ang availability ng GMA Pinoy TV sa inyong mga lugar at mag-subscribe dito.

Watch the video below and comment your reactions.





Previous
Next Post »
Thanks for your comment

Popular Posts